Magic Cacao Fairy

mudawat ug labada

FAQ November 28, 2008

Filed under: Uncategorized — mariakakaw @ 1:37 pm

Ang Alamat ng Isang Dyosa

 

== >  Sino ka?

Ako si Maria Kakaw, isang diwata na nagmamay-ari ng malaking kakawan. Ang mga kakaw na ito ay kinakarga ko sa aking gintong barko at binebenta ko sa ibat-ibang panig ng mundo. Kapalit ng mga kakaw na ito, binibigyan nila ako ng gintong kagamitan. Hinihiram pa nga ninyo ang mga yun, di ba?

 

===> Kung diwata ka nga, bakit marunong ka mag blog?

Haler! Diwatang Pinoy kaya ‘to! Lam mo naman basta Pinoy, dapat lageng “in”!

 

==>  Ah, okay. So anu ginagamit sa pag ba blog?

Syempre kompyuter, tange!

 

==>  Ows? May kompyuter rin pala ang mga diwata?

Gintong barko nga meron me, kompyuter pa kaya. tse! Common sense naman. Ehehehe

 

===>  Bakit ka nagba blog?

Wala kasi akong magawa. Saka hinahanap ko yung mga humiram sa kin ng mga utensils ko. Di pa kasi sinasauli eh.

 

===>  Sabi sa Google e matagal na panahon na buhat ng ikaw ay nakipaghalubilo ulit sa mga tao. Bakit ka bumalik ngayon?

Ahm, kailangang kailangan ko lang talaga kasi makuha ulit yung mga utensils. Importante lang.

 

===> Panu naman makakatulog ang blogging nun?

Nagbabasakali lang naman ako dito sa blogging. Hirap kasi mag door-to-door pa ko sa pagtatanung kung asan na yung mga kayamanan ko.

 

===> Bakit di ka manawagan sa TV o sa diyaryo?

Naisipan ko nga eh. Kaya lang medyo mahal. Wala akong budget!

 

===> Talaga? Di ba nag-eexport ka ng kakaw? May gintong boat ka pa nga eh? Bat wala kang pera?

Ganito kasi yun. Ang Tsina at Amerika ang pinakamalaking merkado ko. Sa Tsina, ginagawa kasi nilang tsokolate ang mga kakaw. Eh hinaluan ba naman ng melamin ang mga tsokolate. Bawal yun. Ayun tuloy, tigil ang produksyon. So tumigil na rin sila sa pag-aangkat ng mga kakaw sa akin. At sa Amerika naman, alam nyo na, naghihirap na ang ekonomiya nila ngayon kaya mas konti nalang binibili nila ng kakaw ngayon. Kaya yun, nalulugi na ang negosyo ko. Naisangla ko na ang gintong boat ko eh. Kaya dapat maibalik sa akin ang mga gintong things ko.

 

===> Kawawa ka naman pala. Sige manawagan ka na lang dito.

Ahmm okay…wait…( retouch ng make-up at suklay ang hair)….

*clears throat*

Hoy mga walanghiya kayo! Ibalik nyo sakin ang mga kagamitan ko! Ang kakapal ng mukha niyo! Wala kayong utang na loob!

 

====> Teka, huminahon ka. Tagal na panahon na nang nangyari ang panghihiram, diba? Baka patay na yung mga humiram nun.

 Uu nga nuh. Di ko naisip yun ah. Ah okay, so mananawagan nalang ako sa sinu man sa inyo na nakamana ng mga gintong plato, kutsara, at tinidor sa mga ninuno nila. Pag yung mga yun ang may nakalagay na initials na M.K. , pihado sa akin yun. Pakibalik lang pleasee. Thank you! *sob* *sob*

(insert credits)

Advertisement
 

One Response to “FAQ”

  1. beero Says:

    asus! malamang tsugi na nga humiram nun tas kasama nyang nalibing sa lupa yung mga gintong kubyertos mo. yun siguro yung mga nahukay sa iba’t-ibang parte ng pinas. tsk!

    *gasp*
    don’t even think of that! anu na lang ang ibabayad ko sa meralco at sa internet connection ko pag ganun nga? huhuhu


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.